Minimahal naming Aleosan,
Masipag ang mga mamamayan
Sa layunin, may katatagan
Kapayapaan tungo sa magandang kinabukasan
Kaligayahan at pag-asa,
Kami ay nagkakaisa
Kristiyano, Lumad at Bangsamoro isisigaw sa buong Mundo.
Oh! Aleosan, Bayan kong Mahal
Biyaya ka ng poong maykapal
Angking yaman ay kalikasan
Paraiso naming tahanan.
Pagsasaka, Negosyo at Turismo
Ipinagmalaki ng Bayan ko
Pangarap ko’y abot kamay
Sa pag-unland kami’y sabay-sabay
Oh! Aleosan, Bayan kong Mahal
Biyaya ka ng poong maykapal
Angking yaman ay kalikasan
Paraiso naming tahanan. (2x)
MABUHAY KA!
MABUHAY KA!
ALEOSAN!
